Huwebes, Enero 9, 2014



Enero 6, 2014(lunes)

 pasukan na !! at nakakatamad pang tumayo at bumangon .. haha
ngayong araw ay kami ay gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga nangyari sa amin sa nakalipas na bakasyon..

Enero 7, 2014(martes)

Ngayon ay aming tinalakay ang buod ng noli me tangere at ang ironiya.. ngunit masyadong maliit ang oras para ito ay matapos ..

Enero 8, 2014(miyerkules)

Sa araw na ito ay nagkaroon kami ng isang pagsusulit para sa darating na periodical exam bukas ..

Enero 9, 2014(huwebes)

Sa araw na ito ay sinagutan na namin ang Filipino at itoy madali kung ikukumpara noon ..



Disyembre 3,2013(martes)

  Sa araw na ito ay nagpaskil si Gng.MIxto ng mga larawan ng mga babaeng nagtagumpay sa ibat ibang larangan . ikinuwento din ang mga pangyayari na nangyari sa kanila bago ang kanilang matamis na pagtatagumpay.

Disyembre 4,2013(miyerkules)

  ngayon po ay aming ipinasa ang aming mga takdang aralin kahapon tungkol sa mga larawan ng mga babae na nagtagumpay at aming itong ipinaliwanag sa pamamagitan ng bunutan ..

Disyembre 5,2013(huwebes)

  Ngayong araw na ito ay ginawa namin ang inatas sa aming pangkatang gawain .. at bilang takdang aralin ay magdala daw kami ng makulay na papel..

Disyembre 6,2013(biyernes)

Sa araw na ito ay wala si Gng.Mixto kung kayat ibang subject ang pumalit..

Disyembre 9,2013(lunes)

Sa araw na ito ay ako lamang ay gumawa ng takdang aralin na sa amin ibinigay .. kasabay ng aking mga kamagaral..

Disyembre 10,2013(martes)

Sa araw na ito ay maiksi ang oras kung kayat akoy umuwi agad at bumalik din upang ayusin ang kooperasyon sa nagaganap na programa ..

Disyembre 11,2013(miyerkules)

ngayon inulat ng pangkat tatlo ang kinagisnang balon at pagkatapos nun ay amin pa itong pinalawak..

Disyembre 12,2013(huwebes)

Sa araw na ito ay nag ulat ang ibat ibang mga pangkat at itoy naulat naman ng maayos .. at sa aking paguwi ay agad akong bumalik sa siruna at niyayang maglaro ng dota..

Disyembre 13,2013(biyernes)

Sa araw na ito ay gumawa kami ng isang sanaysay at habang ginagawa namin ito ay tinutugtugan ni Gng.Mixto si G.mixto .. at itoy nakakakilig..

Disyembre 16,2013(lunes)

Ngayong araw na ito ay tinuruan kami ni Gng. Mixto na gumawa ng isang buod sa mga nabasang akda ..

Disyembre 17,2013(martes)

Sa araw na ito ay wala ako sapagkat nagpraktis ako sa gaganaping programa sa skul..

Disyembre 18,2013(miyerkules)

Sa araw na ito ay sumayaw kami sa mambugan idol at doon kami ay pangalawa sa ranking sabi ng isang guro..

Disyembre 19,2013(huwebes)

Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng isang christmas party .. haha at ang saya ng naganap na mga pangyayari..



 


Nobyembre 27,2013(miyerkules)

Sa arw na ito ay nagbalik aral kami sa tinalaky namin na sinag sa karimlan at antas ng wika ..umikot din ang aming usapan sa isyung panlipunan sa ating bansa .. at ito ay natapo agad..

Nobyembre 28,2013(huwebes)

Ngayong araw ay tinalaky namin ang teoryang nakapaloob sa sinag ng karimlan .. na may kinalamn sa isyung panlipunan na mayroon sa ating bansa ..

Nobyembre 29,2013(biyernes)

Ngayong araw na ito ay wala sa Gng. MIxto kung kayat si G.Mixto ang sa amin nagbantay ..

Desyembre 2,2013(lunes)

Sa araw na ito sinimulan namin ang talakayan sa pag talakay sa mga babaeng nagkaroon ng papel at importansya sa lipunan ng bansa ..


 

 Nobyembre 20 ,2013(miyerkules)

 Ngayong araw ay tinalakay namin muli ang akdang tata selo at na inulat ng pangkat 4 .. at inugma rin namin ito kung nawala sa kanya ang lahat ..at ang pagtukoy kung baket niya pinatay si kabesang tano.. .

Nobyembre 21,2013(huwebes)

Ngayon tinalakay namin ang teoryang nakapaloob dito ang teoryang dekonstraksyon .. na nakapagbabago sa pananaw ng tao pag nabasa ang totong nang yari dito..

Nobyembre 22,2013(biyernes)

Ngayong araw na ito ay ipinasa namin ang mga takdang aralin naminang slogan na sa amin ipinauwi ..upang magawa ng maayos ..

Nobyembre 25,2013(lunes)

Ngayong araw na ito ay tinukoy namin ang tunay na dahilan at ibig sabihin ng salitang bilanggo..na may ibat ibang kahulugan .. bilanggo marahil sa pag ibig ..

Nobyembre 26,2013(martes)

Ngayong araw ay tinalakay namin ang sinag ng karimlan na .. at tinalaky din namin ang ibat ibang antas ng wika sa ating bansa ..


Nobyembre 12,2013(martes)

Sa araw na ito ay nagkaroon ng isang talakayan para sa lugar ng quipo .. Tinalakay din namin ang tauhang si Adong at Bruno.

Nobyembre 13,2013(miyerkules)

Sa araw na ito ay tinalakay muli namin ang akdang mabangis ng lungsod.Tinalakay din namin ang totoong nangyari sa akda..

Nobyembre 14,2013(huwebes)

Sa araw na ito ay tinalakay namin ang teoryang napakaloob dito ang teoryang naturalismo .. at ito ay inulat ng pangkat nila mirabel ..

Nobyembre 15,2013(biyernes)

Nagkaroon ng isang palaisipan sa talakayan namin ngayon kung namaty nga ba si Adong o hindi ??
at ang kasagutan inulat ni Nantiza..

Nobyembre 18,2013(lunes)

Sa araw na ito ay tnalakay namin ang di natapos na gawain kahapon at tinalaky din namin ang mga karapatang pambata na pinagkait kay adong at halos lahat ng ito ay napagkait sa kanya..

Nobyembre 19,2013(martes)

Sa araw na ito ay nagbigay kami sa una palang ng mga katawagan namin sa aming mga nakatatanda .tinalakay namin ang akdang tata Selo..



Nobyembre 4,2013(lunes)

Sa araw na ito tinalakay namin ang akdang sa pula sa puti na inulat ng pangkat 2.Ito ay tinalakay namin sa pamamagitan ng pangkatang gawain..

Nobyembre 5,2013(martes)

Sa araw na ito ang kontinuwasyon ng akdang sa pula sa puti na tinalakay namin kahapon lamang .. at ngayon din ay dumako kami sa COMLAB para turuan kami ng paggawa ng blog.

Nobyembre 6,2013(miyerkules)

Sa araw na ito ay aming tinalaky muli ang sa pula sa puti at ang bawat karakter ng akda ang aming pinagtuunan ng pansin..

Nobyembre 7,2013(huwebes)

Sa araw na ito ay tinalakay namin ang akda kahapon at gumawa kami ng isang sanaysay sa pag iwas sa isang sugal..

Nobyembre 8,2013(biyernes)

Sa araw na ito ay walang pasok dahil sa bagyonh yolanda..

Nobyembre11,2013(lunes)

S araw na ito ay iniwasto namin ang ginawang sanaysay nung huwebes .. at nagkaroon ng isang pagbabasa..



Oktubre 18,2013(biyernes)

  Ang gawaing sa amin nakaatas ay ang paggawa ng bisang pangkaisipan at pangdamdamin
    Matapos ang aming talakayan ay nagpatakdang araling si Gng. Mixto na gumawa kami ng liham tungkol sa aming kasalanan sa aming magulang na ipapasa sa Lunes.

Oktubre 21,2013(lunes)

 Ngayon ang sa amin inatas ay ang paggawa ng isang liham para sa aming mga magulang.Pagkatapos ay nagpatakdang aralin si Gng. Mixto na dapat ay magkaroon kami ng kopya ng buod ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos.

Oktubre 22,2013(martes)

  Ngayon ang aming tinalakay na akda ay ang banaag at sikat ni Lope K. Santos .. at ito ay aming inulat ..

Oktubre 23,2013(miyerkules)

          Sa araw na ito ay nagkaroon ng isang pangkatang gawain na sa amin inatas ni Gng. Mixto..


     Ang natutunan ko sa aralin ay hindi hadlang ang kahirapan para magkamit ng katarapatang nararapat para sa iyo..

Oktubre 24,2013(huwebes)

  Sa araw na ito ay may konting pagbabago sa oras ng filipino .. at sa araw ding ito ay tinalakay namin ang noli me tangere at ikinumpara namin sa banaag at sikat ..

Oktubre 25,2013(biyernes)


Ngayong araw ay nakuha ng aming mga magulang ang aming mga kard .. at akoy nalungkot dahil akoy natapyas sa top.